Bakit may mga estudyanteng makalat. nakakainis minsan yung klase na unang gagamit ng classroom niyo at iiwanan nilang nakakalat ang mga upuan, madaming papel, plastic bottles, naglalagas na buhok, alikabok, balat ng candy sa sahig. wala tuloy magawa ang mga estudyanteng gagamit ng classroom kung hindi maglinis (para iyon sa mga taong ayaw ng maduming kapaligiran) pero meron din ibang estudyante na papabayaan na lang nilang makalat ang room, kung papaanio nila dadatnan ang silid aralan sa ganoong sitwasyon din nila iiwanan. Ewan ko sa inyo.
Isa rin akong estudyante, anong mararamdaman mo kung sa araw araw na ginawa ng diyos ang unang gagwin mo pagpasok sa eskwela ay maglinis ng iniwanang kalat ng ibang estudyante.
Government School ang UDM, tamad ang tagalinis ng school. masungit si hagorn (Janitress sa 3rd floor) kaya ang nangyayari kaming mga estudyante ang naglilinis. aaminin ko hindi ako sanay gumamit ng walis dahil di naman ako pinahahawakan ng walis sa bahay. pero sa UDM ako natuto gumamit ng walis. ayoko ng maduming paligid, masalimuot tignan. mukha kaming kawawa at salaula.
Napagawa ako ng blog na ganito dahil kay martsangmgaitlog.blogspot.com, kaklase ko siya at pareho kami ng sinisigaw. kalinisan. ang mga opisyal ng aming depatrtamento ay katulad ng mga walang kwentang opisyal ng gobyerno. nagpapakasaya sa kapangyarihan na meron sila. sila ang nagpatupad ng kalinisan sa paligid, pero bakit mukhang isa sila sa mga nagdudumi. ganun ba talaga yun?
bato bato sa langit ang tamaan wag magagalit.
Mali pa ang spelling ng Conscious... ano ba 'teh?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento